BILANG NG KASO NG NAKAGAT NG ASO SA AURORA

Bumaba ng 3 ang bilang ng nakagat ng aso ngayong taong 2013 kumpara noong nakaraang taong 2012 sa kaparehong panahon mula buwan ng Enero hanggang buwan ng Mayo na umabot sa 11 kaso.

Ayon sa datos ng Aurora Memorial Hospital, nakapagtala ng 2 ang nakagat ng aso noong Enero, 4 noong Febrero, 3 noong Marso, wala namang naitala noong nakaraang buwan ng Abril, at 2 ngayong buwang ng Mayo. 2013.

Wala naman umano ang naitalang namatay sa mga ito dahil narin sa maagap na pagpapagamot. Ang ilan dito ay nakagat ng sariling aso at ang ilan naman ay nakagat ng asong gala.

Samantala, patuloy paring pinapaalalahanan ang bubliko na mag-ingat sa aso ganoon din ang mga may-ari nito na panatilihing nakatali o nakakulong ang mga alagang aso para maiwasan ang panganib na dulot nito. (Arnel M. Turzar/Raul Mendoza)

Comments