Nilooban at
pinagnakawan ang Sally’s Poultry Supply sa Bitong Extension, Barangay Buhangin,
Baler, Aurora ng mga kawatang hindi pa nakikilala.
Ayon sa
paunang imbestigasyon ng Baler PNP, dakong alas-sais ng umaga noong ika-8 ng
Hunyo, nang magbukas ang may-ari ng istablisiyemento na si Joselito N. Pineda,
natuklasan niyang pinasok ng kawatan ang naturang istablisiyemento, sinira unano
ng suspek ang double padlock ng pintuan na siyang dinaanan paloob at palabas ng
gusalin, natuklasan din ni Pineda na bukas na ang drawer sa table na
pinaglalagyan ng pera.
Natangay ng kawatan
ang isang unit ng Sony Erickson TS 70 color metallic bronze, isang unit ng
Samsung Laptop color red, at isang unit ng Portable DVD color black at cash na
nagkakahalaga ng mahigit Php.10,000.00. (Arnel . Turzar/George Balbero)
Comments
Post a Comment