TUMAAS NANAMAN ANG PRESYO NG PRODUKTONG PETROLYO SA AURORA

Nagtaas nanaman ng P1.45 ang presyo ng Diesel habang P1.05 naman sa Premium gasoline ang ilang kompanya ng produktong petrolyo sa lalawigan ng Aurora partikular sa Bayan ng Baler, bunsod umano ito sa pagtaas ng presyo sa ilang Pambansang pamilihan ng petrolyo kahapon ng umaga. Pang-limang beses na ito na pagtaas sa Buwan ng Hunyo 2013.

Naglalaro ngayon sa halaggang P49.00 hanggang P50.26 kada litro ang presyo ng Diesel.

Naglalaro naman ang presyo ng Regular gasoline sa halaggang P53.98 hanggang P55.50 ang kada litro.

Ang presyo naman ng Unleaded gasoline ay naglalaro sa halagang P54.12 hanggang P56.35 kada litro.

Ang Premium gasoline ay naglalaro sa halaggang P55.30 hanggang P57.05 kada lito.

Habang ang presyo ng Kerosene ay naglalaro sa halagang P50.07 hanggang P52.63 ang kada litro. (Arnel M. Turzar)

Comments