39th Nutrition Month Celebration, ginunita ang pagdiriwang sa bayan ng Baler

Pinangunahan ng mga batang mag-aaral mula sa iba’t ibang preparatory o Kinder Garden school sa  bayan ng Baler ginunita ang pagdiriwang ng ika-39th Nutrition Month kasama ang kanilang mga magulang at guro ganoon din ang mga opisyal ng pamahalaang lokal ng Baler at mga Barangay opisyal.

Dakong ika-walo ng umaga noong nakaraang biyernes Hulyo 26 nagsimula ang programa sa Baler Municipal Plaza sa pamamagitan ng parada sa kabayanan ng Baler tapok ang mga batang nakasakay sa karosa na may mga dekorasyon ng iba’t ibang prutas at gulay. 

Ang naturang selibrasyon ay taun-taon pinagdiriwang tuwing buwan ng Hulyo sa ilalim ng temang “Gutom at Malnutrition Sama-sama Nating  Wakasan!. 

Nauna dito, nagsagawa din ng kahalintulad na programa ang Elementary at Secondary Education Department ng Mount Carmel College Baler, Aurora na ginanap sa Covered Court ng paaralan.

Dakong alas-singko ng umaga noong Huwebes (Hulyo 25) nagsimula ang programa sa pamamagitan ng Fun ran mula sa Welcome ng Baler sa Barangay Suklayin patungo sa nasabing paaralan. Kasunod ang maghapong programa katulad ng Jingle presentation, mister and miss nutrition, at poster making ng bawat seksyon. (Arnel M. Turzar)

Comments