7 bangka sa Kinalapan, inanod ng baha

Inanod ng baha ang pitong (7) bangkang pangisda na nakadaung sa Sitio Kinalapan, Barangay Pingit, Baler, Aurora kahapon ng madaling araw.

Ayon sa mga may-ari ng naturang mga Bangka, dakong ika-2:00 ng madaling araw lumakas ang tubig sa ilog at hindi nila agad namalayan na inanod na ang kanilang mga Bangka. Umaga na nila natagpuan ang mga ito sa Barangay Sabang sa nasabing bayan.

Karamihan sa mga Bangka ay nasita, nabutas at ang iba ay halos mawasak na sanhi ng pagkakaanod nito sa lakas ng agos ng tubig.

Aabot umano sa mahigit sampong libong piso ang tinatayang magagastos sa pag-sasaayos ng bawat isa nito. 

Dahil dito, nananawagan ang asosasyon ng mangingisda sa nasabing lugar partikular ang mga may-ari ng mga nasirang Bangka, sa Department of Agriculture, ng tulong financial. 

Pangingisda ang pangunahing pinagkakakitaan ng mga ito at ngayon ay nasira pa ang mga gamit nila sa pamamalakaya. (Arnel M. Turzar)

Comments