COMPAC, Itatayo sa malalayong lugar ng Maria Aurora

Maglalagay ng apat na Community Police Assistance Center o COMPAC sa iba’t ibang lugar sa Bayan ng Mariar Aurora, Aurora ang Philippine National Police sa lalong madaling panahon.

Sinabi ni SPO4 Alfred Corpus, malaki ang maitutulong ng COMPAC sa pagpapanatili ng peace and order sa lugar at mabilis na pagtugon sa mga krimen na malayo sa kanilang himpilan.

Planong tayuan ng COMPAC ang mga Barangay ng Dimanpunso, San Juaquin, San Jose, Dikildit at sa lugar na malapit sa Pamilihang Bayan ng Maria Aurora.

Magtatalaga ng apat na Police sa isang COMPAC sa pakikipagtulungan ng mga Barangay Tanod at ito ay mag-ooperate ng 24/7.

Ang ganitong programa ng Polisya ay isa sa mga prayuridad ni PSINSP Victor Basil B. Morales bilang OIC Chief of Police ng Maria Aurora. (Arnel M. Turzar)

Comments