Dinagsa ang unang araw ng Biometrics Voter Registration ng Comelec sa Maria Aurora

Dinagsa ng mga nagparehistro ang tanggapan ng Commissions on Election sa bayan ng Maria Aurora, Aurora noong lunes unang raw ng Biometrics Voting Registration.

Hindi paman nagbubukas ang tanggapan ng naturang ahensya ay nagkaroon na ng napakahabang pila at napuno ang paligid ng tanggapan.

Ayon sa mga opisyal ng comelec, bukas ang kanilang tanggapan mula ika-8:00 ng umaga hanggang ika-5:00 ng hapon para sa lahat ng nias magpapatala. Ang ganitong gawain ay magtatagal hanggan sa ika-31 ng Hulyo 2013. Ito ay alinsunod sa Comelec Resolution No. 9721, Sec. 3 ng Republic Act No. 10367 at Resolution No. 9717. para sa Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections na gaganapin sa Oktubre 28.

Pinapaalalahan ng comelec ang lahat ng magpapatala na magdala ng mga kinakailangang requirements katulad ng Birth Certificate at dapat nasa edad labing lima hanggang labing pitong taong gulang para sa SK election, sa Barangay election naman ay dapat edad labing walong taong gulang pataas at magdala ng Cedula.

Pagpaparehistro lamang ang gagawin ng comelec at hindi ang paglilipat ng botante mula sa loob at labas ng bayan ng Maria Aurora. (Guiller Necesito)

Comments