Ikalawang araw na biometrics voters’ registration ng COMELEC, nakatakda sa Barangay Buhangin, Baler, Aurora.

Nakatakda ngayong araw ng Martes (Hulyo 23) ang biometrics voters’ registration ng Commission on Elections (COMELEC)  sa Barangay Suklayin, Baler Aurora.

Ito ay alinsunod sa Comelec Resolution No. 9721, Sec. 3 ng Republic Act No. 10367 at Resolution No. 9717. Ang 10 araw na registration  na nagsimula kahapon  na magtatapos ng July 31 para sa Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections na gaganapin sa Oktubre 28.

Samantala, nakatakda namang ang kahalintulad na gawain bukas at sa mga susunod na araw sa mga sumusunod na Barangay at petsa:

Barangay:
Date:
Sabang
July 24, 2013 – 8:00am to 5:00pm only
Reserva
July 25, 2013 – 8:00am to 5:00pm only
Pingit
July 26, 2013 – 8:00am to 5:00pm only
Obligacion
July 29, 2013 – 8:00am to 5:00pm only
Calabuanan
July 29, 2013 – 8:00am to 5:00pm only
Buhangin
July 30, 2013 – 8:00am to 5:00pm only
Poblacion
July 31, 2013 – 8:00am to 5:00pm only
Studying SK and working new regular voter applicants
July 27 and 28 - 8:00am to 5:00pm

Kasabay nito inaanyayahan ni Election Officer II Alama P. Broqueza ang lahat ng qualified voters na magtungo sa mga nabanggit na lugar at petsa para mag-parehistro. (Arnel M. Turzar)

Comments