Illegal na pilahan sa Barang 03, sa Bayan ng Baler, inirereklamo

Inirereklamo ng ilang mga komuters at motorista ang mga tricycle na pumipila sa kanto ng Quezon Highway at Angara Street, Barangay 03, Baler, Aurora.

Ayon sa mga concern citizen (minarapat na hindi na sila pangalanan) nagdudulot umano ng pagkaantala sa daloy ng trapiko ang mga tricycle na pumaparking sa nasabing panulukan.

Madalas din umanong nagkakaroon ng aksidente dito dahil sa pagsikip ng trapiko.

Maliban sa umanoy illegal ang pilahan, kolorum pa umano ang mga pumipila dito.

Una na umano itong inaksyunan ni Kapitan Danilo Amazona ng Barangay 03, Baler, Aurora na siyang nakakasakop dito. Sadya lamang umanong pasaway ang mga tricycle driver na kapag walang nagbabantay na pulis ay bumabalik din ang mga ito.

Sa ikalawang pagkakataon muli umanong pagbabawalan ni Amozona ang mga pasaway na driver.

Agad namang nakipag-ugnayan sa Baler PNP ang CMN News makaraang makatanggap ng reklamo mula sa mga concern citizen, mabilis naman umaksyon ang PNP sa pangunguna ni P/SINSP George Calauad. 

Pinaatras ng ilang metro mula sa kanto ng nasabing panulukan ang pila ng tricycle, subalit hindi parin ito tuluyang pinaalis. (Arnel M. Turzar)

Comments