LALAKI NANGHARANG NG MOTORSIKLO, BALI ANG PAA - Baler, Aurora

Nabali ang kaliwang paa ng isang lalaki matapos nitong harangin ang isang motorsiklo sa Barangay Zabali, Baler, Aurora.

Ayon sa Baler PNP, dakong alas-9:50 ng gabi noong Lunes (Hulyo 8) patungo sa Barangay Zabali mula sa Bayan ng Baler sakay ng Rusi motorsiklo sina Bim Lorens D. Tuazon, driver, 27 taong gulang, residente ng Barangay 02, at ang angkas nitong si Beens Amasona, 18 taong gulang, residente ng Barangay 03, ng nabanggit na bayan, nang bigla umano sila harangin sa gitna ng kalsada ni Joselito E. Talavera, 19 na taong gulang, residente ng Purok 05, Barangay Pingit ng nasabing Bayan.

Lasing umano si Talavera kaya nito nagawang haranging ang motorsiklong sinasakyan ng dalawa kaya ito ay nakaladkad.

Kapwa nagtamo ng mga gasgas sa iba’t  ibang bahagi ng kanilang katawan sina Tuazon at Amasona habang bali naman ang kaliwang paa ni Talavera na agad namang naidala sa pagamutan para lapata ng karampatang lunas. (Arnel M. Turzar/Goerge Balbero)

Comments