LALAKI PINAGBABARIL NG LIMANG BESES, HINDI NAKALIGTAS KAY KAMATAYAN

Hindi na naisalba ng mga Doctor kay kamatayan ang buhay ng isang padre de pamilya matapos na ito ay barilin ng  hindi pa nakilalang salarin noong Huwebes ng gabi sa bayan ng Baler.

Ang biktima ay si Mario Reyes Jr., 54 taong gulang, may asawa at residente ng Sitio Cabituculan, Barangay Reserva, Baler, Aurora.

Ayon sa imbestigasyon ng Baler PNP sa pangunguna ni PO2 Reagan B. Lopez, naganap ang pamamaslang dakong alas-10:00 ng gabi noong Hulyo 11, 2013.

Ang biktima ay nagtamo ng 5 tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan mula sa Kalibre 45 ng baril.

Narekober din ng mga otoridad sa pinangyarihan ng insidente ng 4 na bala ay 5 basyo na mula umano sa baril na ginamit ng suspek.

Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad upang matukoy kung sino ang suspek at upang malaman ang motibo ng pagpatay kay Reyes. (Rey S. Fernando)

Comments