Libo-libong sakahan sa Casiguran, masusuplayan ng patubig.

Target ng National Irrigation Administration na masuplayan ng patubig ang mahigit isang libong sakahan sa Bayan ng Casiguran, Aurora ngayong taong 2013.

Pospusan ngayon ang kanilang isinasagawang mga irrigation canal para matapos na ito at mapakinabangan na ng mga magsasaka.

Sinimulan ang proyekto noong nakaraang buwan ng Hunyo  at inaasahan matatapos ito sa mga susunod na buwan.

Umaasa ang mga magsasaka na magiging maganda na ang dalo ng tubig ay lalakas ang ani at kita ng mga magsasaka. 

Samantala, iginiit ng NIA sa magsasaka para isaayos ang mga luma at sirang irigasyon sa naturang lugar . (George Balbero/Arnel M. Turzar)

Comments