Mahigpit na binabantayan ng PNP ang Illegal Mining Activities sa bayan ng Dinalungan

Binabantayan ngayon ng Pambansang Polisya ng Dinalungan, ang mga umano illegal na pagmimina sa ilang lugar sa bahagi ng Dinalungan, Aurora.

Makaraan makatanggap ng ulat ang naturang ahensya na mayroong nagaganap na small mining activities sa ilang Barangay ng naturang bayan.

Matatandaang noong nakaraang buwan ng Hunyo 2013 nakatanggap ng ulat ang Dinalungan PNP na mayroong mga sako sakong  mineral na hindi pa matukoy kung anong uri ito ng mineral na nakuha sa kabundukang bahagi ng Barangay Abuleg. Nakatakda na sana umano itong ipuslit ng hindi pa nalikilalang mga suspek sa pag-iillegal.

Ito ngayon ang mahigpit na minomonitor ng kapulisan sa lugar upang matukoy ang mga gumagawa nito at patigil na ang ganitong mga gawain.

Sa impormasyong nakalap ng CMN News na ngayon ay kasalukuyan pang kinukumpirma, isa umanong empleyado ng Department of Environment and Natural Resources ang financer ng illegal mining activities sa bayan ng Dinalungan. (Arnel M. Turzar)

Comments