MGA OPISYAL NG BAYAN NG BALER, NANUMPA NA SA TUNGKULIN

Nanumpa na sa kanilang tungkulin ang mga halal na opisyal ng Bayang ng Baler, Aurora noong Hunyo 30, 2013.

Pinangasiwaan ni Congresswomen Billaflor Angara-Castillo ang panunumpa kay Baler Municipal Mayor Nelianto C. Bihasa.

Pinanumpa naan ni  Mayor elect Nelianto C. Bihasa si Vice Mayor elect Karen G. Angara-Ularan  kasunod ang mga konsehales.

Matapos ang panunumpa ay nagpasalamat si Mayor Bihasa at Vice Mayor Ularan sa kanilang mga kababayan na patuloy na tumatangkilik sa kanila.

Ang Oath Taking Ceremony ay dinaluhan ng mga kawani ng LGU Baler, mga Barangay Official at ilang mamamayan.

Nagging saksi at panauhin din sa naturang okasyon si dating Mayor Arthur J. Angara.

Ayon kay Bihasa, nakasentro aniya ang kanyang panunungkulan at programa sa kalusugan, kalinisan at mga social  services. (Arnel M. Turzar)

Comments