Pagpaparking sa gilid ng palenke ng Maria Aurora, ipagbabawal na.

Ipagbabawal na ang pagpaparking sa paligid ng palengke sa bayan ng Maria Aurora sa lugar na hindi naman itinakdang paradahan ng mga sasakyan lalo na sa panahon ng Market day ng nasabing bayan tuwing araw ng linggo at martes.

Mahigpit naring ipatutupad ang one way entry sa kalsada sa gilid ng naturang pamilihan.

Ang pagpapatupad ng kaayusan at kalinisan ng pamilihan ay isa sa mga prayuridad na programa ni Maria Aurora Municipal Mayor Amado Geneta sa kanyang unang taong panunungkulan bilang Mayor. (Arnel . Turzar)

Comments