PORMAL NANG INILIPAT KAY MAYOR GENETA ANG PAMAMAHALA SA BAYAN NG MARIA AURORA, AURORA

Pormal ng isinagawa ang paglilipat ni dating Mayor at ngayon ay Vice Mayor Ariel Bitong ang buong pamamahala sa Bayan ng Maria Aurora, Aurora kay Mayor Amado Geneta sa isinagawang turn over ceremony noong Lunes ng umaga sa bagong session hall ng Sangguniang Bayan kaalinsabay ng pagsasagawa ng unang sesyon ng Sangguniang Bayan.

Kaugnay nito ay iniulat din ng bawat departamento ang kanilang mga accomplishment at mga programa ng nakalipas na administrasyon.

Matapos ang pag-uulat na pinangunahan ni Municipal Planning Development Council Officer Nicasio Gatchalian  ay ang inaabangan namang inaugural speech ni Mayor Amado Geneta.

Sa kanyang talumpati tinuran ni Geneta  na kanyang ipagpapatuloy at lalo pang pagbubutihin ang mga programa ng nakalipas na administrasyon .

Inulat din ni Geneta ang mga programa na kanyang isusulong sa loob ng kanyang pamamahala, kung saan pangunahing dito ang edukasyon, peace and order, kalinisan, agrikultura, imprastraktura at ang long term plan para sa flood control.

Samantala, sa kanya  rin inaugural address, muli namang binigyang diin ni Vice Mayor Ariel Bitong na magkaisa na ang lahat at kalimutan na ang bangungot ng pulitikal. Isang araw lang aniya ang eleksyon at itoy tapos na kailangan anito ay ang pagkakaisa upang patuloy na maisulong ang kaunlaran ng Bayan ng Maria Aurora.

Inilatag din nito  ang kanyang mga panukala at nais gawin bilang presiding officer ng Sangguniang Bayan ng Maria Aurora.

Sa huli ay muli nitong tiniyak sa mamamayan ng Maria Aurora na hindi na nito sasang-ayunan kundi tututulan na niya ang anumang panukalang  may kaugnayan sa isyu ng paghahati ng Bayan ng Maria Aurora. (Rey S. Fernando)

Comments