SAMAHAN NG KABATAAN SA AURORA, NAGSANAY PARA MAKAPAGTAYO NG FORMATION CENTER

Nagsagawa ng dalawang araw na pagsasanay o workshop ang Willem Geertman Youth Foundation Center o WGYFC para sa mga kabataang may talent sa pag-arte at pagpinta.

Ito ay isinagawa sa Bayan ng Maria Aurora, Aurora noong Sabado at Linggo (Hulyo 6-7) ang aktibidad ay pinamagatang “Basic Visual Theater Arts Workshop and Painting “ bahagi umano ito sa pagpapatuloy ng adbokasiya ni Willem.

Ang workshop ay pinangunahan ng Samahan ng Kabataan sa Aurora o SAKA sa pangunguna ni Jonar Concepcion ang Provincial coordinator ng SAKA sa lalawigan ng Aurora.

Ang pagsasanay ay dinaluhan ng humigit 50 kabataang mag-aaral sa Elementarya, Sekondarya, Koleheyo at mga kabataang hindi nag-aaral mula sa mga Bayang ng Maria Aurora, Dipaculao, Baler, at San Luis.

Ang mga partisipante ay hinati sa dalawang grupo, una ay grupo ng mga may higlig sa pag-arte at ang ikalawa ay grupo ng may talento sa pagpinta.

Nagging tagapagsalita sa naturang workshop sina Raul Lumasac ng HIBO ng Aurora, isang samahan ng lokal Artist sa lalawigan at si Bing Crisostomo sa Linangan ng Kulturang Pilipino mula sa Maynila.

Ayon sa organisador ng WGYFC ang mga naiguhit na larawan ay kanilang ii-exibit sa opisina ng SAKA sa Bayan ng Maria Aurora at ito’y kanila ring ipopost sa internet at kung sakali anila na ito ay maibenta ang halaga ay kanilang idadagdag sa pondo ng Foundation.

Layunin umano ng ginanap na workshop na makalikom ng pondo para sa pagtatayo ng Formation Center sa lalawigan ng Aurora upang di umano ay maipagpatuloy ang adbokasiya ni ka Willem Geertman. (Rey S. Fernando)

Comments