SUMAILALIM SA PAG-AARAL NG HR ANG HARANISTA NG SILANGANG AURORA

Sumailalim sa Education for Human Rights ang mga lider ng Haranista ng Silangang Aurora kamakalawa.

Dakong alas-9:00 ng umaga nagsimula ang pag-aaral na dinaluhan ng mga Haranista mula sa iba’t ibang Bayan ng nasabing lalawigan.

Ang naturang pag-aaral ay pinangunahan ng Justice and Peace Action Group of Aurora o JPAG.

Layunin ng pag-aaral na malaman ng bawat mamamayan ang mga karapatang Pantao at kung papaano ito ipagtatanggol.

Lubos namang nagpasalamat ang mga Haranista sa karagdagang kaalaman na ibinigay sa kanila hinggil sa kanilang karapatan. (Joseph P. Molila)

Comments