Tulay sa Dicaloyongan, na-washout kaninang madaling araw

Na washout  at hindi na madaanan ang pansamantalang tulay na nag-uugnay sa ilog ng Sitio Dicaloyongan, Barangay Zabali, Baler, Aurora kaninang madaling (Hulyo 30) araw dahil sa patuloy na pagbuhos ng ulan.

Sa lakas ng tubig na dumaloy mula sa kabundukan naanod at natangay ang pansamantalang tulay habang ginagawa pa ang orihinal na tulay nito.

Hindi na ito madaanan ng kahit anong uri ng sasakyan, para makatawid nagta-transfer nalamang ang mga dumadaan dito. (Arnel M. Turzar/Claro Valenzuela)

Comments