WANTED SA KASONG PAGPATAY, ARESTADO - Maria Aurora, Aurora

Arestado ang isang lalaki makaraang magtago sa batas ng halos pitong taon dahil sa pagkakasangkot umano nito kasong pagpatay noong taong 2005.

Dakong alas-9:00 ng umaga noong Hunyo 29, 2013, sa bisa ng Warrant of Arrest, may criminal case no. 3245, na nilabas ni Honorable Judge Corazon D. Soluren ng Regional Trial Court  Branch 96, sa pangunguna ni PO2 Christian C. Dulay at sa patnubay ni OIC PSINSP Victor Basil Morales nadakip sa kanilang tahanan ang matagal nang hinahanap na suspek sa pagpatay na kinilalang si Renato Diaz y Soria, 37 taong gulang, residente ng Barangay Baubo, Maria Aurora, Aurora.

Si Diaz ay nahaharap ngayon sa kasong Murder, at ito ay nakakulong na sa Panlalawigang Piitan ng Aurora. Ang naturang kaso ay walang piyansa para sa kanyang pansamantalang laya. (Arnel M. Turzar/Guiller Necesitoto)

Comments