3 mahahalagang ordinansa sa bayan ng Maria Aurora, nakatakda ngayong araw ang Public Hearing.

Nakatakda ngayong araw ang public hearing ng tatlong mahahalagang panukalang ordinansa sa bayan ng Maria Aurora, Aurora.

Ang unang ordinansa na nakatakdang isapubliko mamaya ang “Regulating the use and sale of plastic, mug and plastic cellophane”. layunin ng ordinansa na ipagbabawal na ang paggamit at pagbili ng mga plastic sa naturang bayan.

Ang ikalawang ordinansa ay ang “Regulating of the smoking of Cigarettes”. Ito ay pag-amyenda sa nauna nang ordinansa na nag-uutos ipagbawal ang paninigarilyo sa mga pampublikong lugar, nais nitong tuluyan nang ipatigil ang paninigariylo sa bayan ng Maria Aurora.

At ang ika-tatlong ordinansa ay ang “ Ordinance Providing the Rules and Regulation Governance the Business”. Ito ay ang pagbabawal sa pagbebenta ng bote-boteng gasolina.

Inaasahann ang pampublikong pagdinig mamayang hapon sa harapan ng Pampublikong Pamilihan ng Maria Aurora ay dadaluhan ng iba’t ibang sektor sa naturang bayan katulad ng transport group, business group, at iba pang grupo tulad ng Non-Governmental Organization at People’s Organization. (Guiller Necesito)

Comments