CC-CBA, namigay ng Household kits sa mga nasalanta ng bagyong labuyo sa Aurora

Nagsagawa ng initial assessment noong kamakailan ang Save the Children sa mga eskwelahan at barangay sa Dipaculao at Dinalungan na sakop ng proyektong Child Centered-Community Based Climate Change Adaptation

Kasabay ng Damage Assessment at Needs Assessment ang distribution ng Household kits at Hygine Kits sa ilang residente na sobrang naapektuhan ng Bagyong Labuyo. Ang bawat kit ay naglalaman ng kulambo, kumot, kaldero, pinggan, at iba  pang gamit sa bahay.

Tumanggap ng tulong ang mahigit dalawang daang pamilya mula sa Brgy. Calaocan, gayundin ang mahigit sa animnapung pamilya sa Brgy. Dinadiawan.

Mahigit dalawang daan naman ang tumanggap ng tulong mula sa Brgy. Poblacion I at Brgy. Mapalad ng Dinalungan.

Ayon sa mga residente, malaking tulong ang naibahagi ng Save the Children lalo na ngayon na sobrang nasalanta ang kanilang kabuhayan, mga bahay at iba pang ari-arian.

Samantala, ipagpapatuloy pa rin ng Save the Children ang ginagawa nitong damage assessment at needs assessment dito sa Lalawigan ng Aurora lalo na sa bayan ng Dipaculao, Dinalungan at maaring maging sa bayan ng Casiguran at Dilasag. (CC-CBA)

Comments