Gasolinahan sa Baler, nagpatupad narin ng dagdag bawas sa presyo

Nagpatupad na rin ng dag-dag bawas sa presyo ng kanilang produktong petrolyo ang mga kumpanya ng gasolina sa Bayan ng Baler, Aurora. Bunsod umano ito ng pagtaas baba ng presyo sa Pambansang pamilihan noong Martes, August 13.

Nauna nang nagbawas ng 0.50 sentimos kada litro sa Premium at Unleaded ang Petron at Caltex habang nagdagdag naman sila ng 0.20 sentimos sa kada litro ng Diesel noong Martes.

Sumunod din nagpatupad ang Sea Oil at Shell ng bawas presyo sa kanilang Unleaded at Premium na gasolina ng 0.85 sentemos habang nagdagdag naman sila ng 0.20 sentimos kada litro sa kanilang Diesel noong Miyerkules.

Wala namang pagbabago sa presyo ng Kerosene at Regular na gasolina. (Arnel M. Turzar)

Comments