Iligal na pagtatapon ng pasura sa gilid ng palengke sa Baler, inirereklamo

Iligal na pagtatapon ng basura sa gilid ng pamilihang bayan ng Baler, Aurora ang iniirereklamo ng mga nagtitinda at naninirahan malapit sa lugar.

Ayon sa presidente ng Baler Market Vendors Association,  bagamat regular ang pagkokolekta ng mga basura sa pamilihan, pino-problima naman nila ang hindi matigil at patuloy na pagtatapon ng mga dumadaan sa lugar na siyang kumakalat sa paligid ng palengke.

Dagdag pa ang mga basurang iniiwan ng mga dayuhang manininda tuwing araw ng palengke pagsabado.

Bagamat nakalagay umano sa mga plastic ang basura, hinahalukay naman ito ng mga asong gala.

Bukod sa bumabara sa kanal ang mga ito tuwing umuulan, nagdudulot din ito ng masama sa kalusugan ng tao dahil sa masamang amoy na taglay nito. (Melanie Hugo)

Comments