Isang lalaki Arestado sa bayan ng Maria Aurora, sa kaso nitong paglabag sa PD 705

Arestado ang isang lalaki sa Barangay Florida, Maria Aurora, Aurora kahapon (August) ng tanghali sa kaso nitong paglabag sa PD 705 as Amended and Penalized under article 308, Revised Penal Code.

Ang suspek ay kinilalang si Ped Mulato y Baggao, 44 na taong gulang, may asawa, walang trabaho at residente ng barangay Florida ng nasabing bayan.

Ayon sa ulat ng Maria Aurora PNP, dakong alas-12:20 ng hapon sa isinagawang manhunt Charlie ng kanilang himpilan sa pangunguna ni P/SINS Victor Vasil B. Morales at bisa ng warrant of arrest na may criminal case no. 3654 na inisyu ni Honorable Judge Trese D. Wenceslao ng Municipal Circuit Trial Court ng Maria Aurora-Dipaculao na may petsang November 10, 2011, naaresto ang suspek.

Ang suspek na si Mulato ay kasalukuyang nakakulong sa piitan ng Maria Aurora PNP. Ito ay may kaukulang piyansa na aabot sa labing dalawang libong piso para sa kanyang pansamantalang laya. (Arnel M. Turzar)

Comments