Klase sa mga paaralan sa Dipaculao, nakansela dahil sa matinding ulan

Dahil wala halos tigil na pagbuhos ng ulan at pag-apaw ng ilang mga spill way, ipinag-utos ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Office ng Dipaculao, District Supervisor, Principal at mga kapitan ng Barangay noong Huwebes, Hulyo 31, 2013.

Sa pahayag ni Acting MDRRMC head sa bayan ng Dipaculao, ikinunsidera ang pagpapatigil ng klase dahil narin sa mga naganap ng pag-apaw ng spill way sa mga lugar ng Sitio dimanen sa barangay detale at iba pang barangay. Dahil sa tindi ng baha, hindi na madaanan ang mga ito ng light vehicles kung kaya’t kailangang buhatin nalamang ang sasakyaan gaya ng motorsiklo upang maitawid.

Nauna rito, isang land slide ang naitala sa naturang bayan. Sa radio message mulasa Barangay Kalookan, gumuho ang lupa sa bahaging kilometer seven ng naturang barangay. Wala namang naiulat na nasaktan o nasawi sa naturang insidente naagad ding nagawan ng aksiyon. (Ronaldo A. Ramos)

Comments