Linggo ng mga katutubo sa Aurora, idaraos ngayong araw

Idaraos ngayong araw (August 29-30) hanggang bukas ang “Linggo ng mga katutubo” na pangungunahan ng Samahan ng mga Katutubo sa Sierra Madre (SKSM) na gaganapin sa Barangay Diteki, San Luis, Aurora.

Ang ganitong gawain ay taun-taon isinasagawa sa lalawigan tuwing buwan ng Agosto alinsunod na rin United Nation Declaration na ang buwan ng Agosto ay paggunita ng “Indigenous Peoples Week”. Dito kinikilala ang katangian at pagkakaisa ng mga katutubong mamamayan sa buong daigdig, sa pamamagitan ng mga karapatan.

Dito sa lalawigan layunin ng paggunita ngayong taon ay “Upang pagkaisahin  at ipagtanggol ng sama-sama ang karapatan sa kabuhayan, Kalikasan at higit na igalang ang sariling pagpapasya sa lupaing Ninuno”. Ang paksa ay “Katutubo ng Aurora: Palawakin, Patatagin ang hanay, at Depensahan ang Lupaing Ninuno”.

Ang dalawang araw na pagdiriwang ay kinatatampukan ng mga programa katulad ng Dayalogo sa tanggapan ng National Commission on Indigenous People (NCIP) at sa Department of Environment and Natural Resources (DENR), paglalahad ng Lokal at Nasyunal na kalalagayan ng mga katutubo, Film viewing, Sandiwaan, Mga kulturang pagtatanghal at pagbibigay ng mensahe ng bawat Parokya sa Valley-Ding at ng mga institusyon. (Arnel M. Turzar)

Comments