May kasong attempted homicide, arestado sa bayan ng Maria Aurora.

Arestado ang isang lalaki sa Barangay Ditailen, Maria Aurora, Aurora kahapon (August 4) ng umaga sa kaso nitong attempted homicide.

Kinilala ang suspek na si Julio Dela Cruz y Oliveros, 54 na taong gulang, may asawa, driver at residente ng Purok 02, Barangay Ditailen ng nasabing bayan.

Ayon sa Maria Aurora PNP, dakong ika-11:00 ng umaga sa isinagawang manhunt Charlie ng kanilang himpilan sa pangunguna ni P/SINS Victor Vasil B. Morales at bisa ng warrant of arrest na may criminal case no. 3720 na inisyu ni Honorable Judge Jonald E. Hernandez ng Municipal Circuit Trial Court ng Maria Aurora-Dipaculao na may petsang July 15, 2013, naaresto ang suspek.

Ang suspek na si Dela Cruz ay kasalukuyang nakakulong sa piitan ng Maria Aurora PNP. Ito ay may kaukulang piyansa na aabot sa labing dalawang libong piso para sa kanyang pansamantalang laya. (Arnel M. Turzar)

Comments