MCC Baler - Buwan ng Wika



Ipinagdiwang kahapon ng Mount Carmel College Baler Basic Education Department ang “Buwan ng Wika” na kainatampukan ng tagisan ng talent (Quiz Bee), balagtasan, sabayang bigkas, malikhain sa pag-galaw at kalinangan ng Karmelyan sa ilalim ng paksang “Wika natin ang Daang Matuwid.

Nauna rito, nagsagawa rin ng kahalintulad na aktibidad ang College Department noong nakaraang Sabado (August 24) at noong nakaraang Biyernes (August 23) ang Elementary Department naman ng nasabing paaralan.

Tampok din sa nasabing aktibidad ang mga makukulay na kasuotang Pilipina katulad ng kemona at barong tagalog. (Arnel M. Turzar)

Comments