“Wika Natin ang Daang
Matuwid” ito ang naging tema ng isinagawang symposium kaugnay sa talambuhay ni
Doňa Aurora Quezon sa mga mag-aaral ng Higher Education Department ng Mount
Carmel College Baler, Aurora kahapon sa Covered Court ng nasabing paaralan.
Dakong alas-2:30 ng hapon
nagsimula ang programa ng nasabing symposium na inorganisa ng Student Body
Organization sa pangunguna ni SBO President Eiron A. De Guia, dito tinalakay ng
Mr. Mariano Quiñones, guro sa nasabing koleheyo, ang nagawa ng dating Ginang Doňa
Aurora Quezon at ang naging tungkulin niya habang ang kanyang asawa na si dating
Pangulo ng Republika ng Pilipinas Manuel L. Quezon. Ayon sa kasaysayan naging
siple lang ang pamumuhay ng pamilya Quezon bilang Pulitikal at lingkod Sibiko.
Ang ganitong pag-balik tanaw
sa kasay-sayan ay bahagi ng ipinagdiriwang na Buwan ng Wika sa buong Bansang
Pilipinas ngayong buwan ng Agusto.
Comments
Post a Comment