Pa-symposium ng PNP Dipaculao, matagumapay na isinagawa.

Naging matagumpay ang isinagawang pa-symposium ng Dipaculao PNP sa Barangay Dibutunan, Dipaculao, Aurora kahapon (August 20) bilang bahagi ng Barangay visitation at peace kipping activity ng kanilang ahensya. 

Dito tinalakay ang batas kaugnay sa R.A 9262 o Anti-Violence Against Women and their Children (VAWC), ganoon din ang Drug Awareness at information drive dissemination.

Ayon PO2 Katrine Abiang, apat na barangay na ang kanilang nabigyan ng ganitong aktibidad katulad ng barangay Bayabas, Gupa, Labuy at Dumabuno.

Ayon naman kay P/SINSP, Bayani Balbuena, Hepe ng Dipaculao PNP Station, sisikapin nilang ikutin lahat ng barangay sa bayan ng Dipaculao.

Layunin nitong makabisado ang mga lugar, makilala ang lahat ng namumuno sa bawat barangay at mga tanggapan, ganoon din upang siya ay makilala bilang bagong hepe sa nasabing bayan.

Layunin din nitong ipakita sa taong bayan ang pakikiisa ng kapulisan at pagpapanatili ng katahimikan at kaayusan, nais din nilang tanggalin sa kaisipan ng mamayan ang takot sa mga kapulisan para lalo pang mapagbuklod ang community relationship.

Nagsasagawa rin sila ng mga feeding program dalawang beses sa isang buwan sa mga batang malnourish para mapanatili ang kalusugan ng mga bata sa lugar.

Ang ganitong mga programa, ani Balbuena, ay pinapagkaisahan ng ahensya ang mga barangay opisyal para lalo pang maging epektibo ang programa.

Comments