Presyo ng bigas sa pamilihang bayan ng Baler, tumaas ng P5.00

Tumaas ng P5.00 kada kilo ang presyo ng bigas sa pamilihang bayan ng Baler, Aurora na dati ay naglalaro lamang sa halagang P34.00 hanggang P40.00 ang kada kilo, ngayon ay naglalaro na sa halagang P36.00 hanggang P45.00, habang wala namang pagbabago ang presyo ng NFA Rice sa halaga nitong P26.00.

Magugunita na huling tumaas ang presyo ng Pambansang butil noong nakaraang Linggo ng halos P3.00 sa kada kilo, habang tumaas naman ito ngayong linggo ng halos doble.
Asahan na tataas pa umano ang presyo sa mga susunod na mga araw o linggo. (Arnel M. Turzar/Melanie Hugo)

Comments