Presyo ng ilang pangunahing bilihin sa baler, tumaas

Tumaas ng bahagya ang presyo ng ilang uri ng gulay sa pamilihang bayan ng Baler katulad ng Carrots na dating 60 pesos kada kilo, ngayon ay nagkakahalaga na ito ng 70 ang kilo, habang may pagtaas din sa presyo ng isda.

Naglalaro namang sa halagang 15 hanggang 40 kada kilo ang gulay katulad ng Sayote, Ampalaya, repolyo, petsay Baguio at luya habang naglalaro naman sa 50 hanggang 80 ang Kamatis, baguio beans, Sigarilyas, sibuyas at bawang.

Nagkakahalaga naman ng 120 hanggang 180 ang kada kilo ng isdang dagat habang nasa 100-140 naman ang Tilapia at Bangos.

Naglalaro naman sa P190 – P200 ang karneng baka, P150-P180 naman ang karneng baboy, at P150-P160 naman sa karneng manok.

Nasa 27 hanggang 37 ang kada kilo ng Pambansang butil o Bigas at 60-65 ang malagkit. (Arnel M. Turzar)

Comments