Bahay Sandiwaan sa Maria Aurora, nilooban at pinagnakawan

Nilooban at pinagnakawan noong Lunes (Sept.23) ang Bahay Sandiwaan sa Barangay 02, Maria Aurora, Aurora dakong alas-11:00 ng gabi ng hindi pa nikikilalang mga suspek.

Base sa paunang imbestigasyon na ginawa ng Maria Aurora PNP, nabuksan umano ng mga suspek ang pintuan ng naturang gusali gamit ang iba’t ibang susi at natangay ng mga ito ang isang (1) unit na Dura Box at tinatayang nagkakahalaga ng P500.00 cash.

Base naman sa pahayag ng ilang kawani ng Bahay Sandiwaan, natuklasan nila kinabukasan makaraan ang panloloob na bukas na ang pinto ng Bahay Sandiwaan at nawawala na ang isang Dura Box at ang pera dito. (Arnel M. Turzar)

Comments