Blasting incident and found hand grenade sa Bayan ng Baler

Ginulat ng malakas na pagsabog ng isang Hand Grenade ang ilang residente ng Purok 04, Barangay Pingit, Baler, Aurora noong hating gabi ng linggo.

Ayon kina Dennis P. Nolasco, 25 taong gulang at Danny P. Nolasco, 18 gulang, kapwa residente sa nasabing lugar, nakarinig umano sila ng isang putok ng baril at sinundan ito ng isang malakas na bagsabog dakong alas-12:15am sa loob ng bakuran ni Ginang Laarni Ritual.

Base naan sa paunang imbestigasyon ng Baler PNP, narekober nito sa pinangyarihan ang isang (1) piraso ng Hand Grenade na may tatak na UXO-MK2 at dalawang (2) piraso ng Exploded Part nito.

Itinuturo naman suspek sa pagsabog si Glen F. Oxiano, dating miyembro ng Armed Forces of the Philippine. Habang hinahanda na ang kaukulang kaso na ipapataw laban dito. (Arnel M. Turzar)

Comments