P0.30 taas presyo sa gasolina – Baler, Aurora

Makaraang tumaas ang presyo ng mga produktong petrolyo sa mga malalaking kompanya sa pambansang pamilihan noong Martes (Sept. 10). Sumunod naring nagpatupad ng dadag presyo sa kanilang gasolina ang mga pangunahing gasolinahan sa bayan ng Baler.

Nauna nang nagpatupad ng dadag presyo ng halagang P0.30 sa kada litro ng Premium at Unleaded ang Shell, at Caltex noong Miyerkules (Sept.11).

Sumunod namang nagpatupad kahapon (Sept.12) ng umaga ang Petron ng kahalintulad na halaga sa kanilang gasolina.

Walang namang paggalaw sa presyo ng Diesel, Kerosene at Regular na gasolina.

Nag-anunsyo narin ang Sea Oil na bago matapos ang linggong ito ay magpapatupad din sila ng dagdag sa presyo ng kanilang gasolina. (Arnel M. Turzar)

Comments