P15.00 hanggang P50.00, dagdag presyo sa LPG sa Baler

Sumunod naring nagpatupad ng dagdag presyo sa kanilang produktong Liquefied Petroleum Gas o LPG ang mga nagtitinda sa bayan ng Baler kamakailan, bunsod umano ito ng pagtaas ng presyo ng malalaking kumpanya ng kahalintulad na produkto sa Pambansang pamilihan noong nakaraang linggo.

Umabot sa halagang P15.00 hanggang P20.00 ang dagdag na presyo sa kada kilo sa mga Refilling Station, habang P50.00 naman ang itinaas sa mga retailer store.

Nagkakahalaga ng P780.00 ang kada 11 kg. na tangke ng LPG sa mga refilling station habang mabibili naman ito ng P830.00 sa mga retailer store.

Pumapatak naman sa halagang P410.00 ang kada 5.5 kg. na tangke sa mga  refilling station habang P440.00 naman ito sa mga retailer store o sari-sari store. (Arnel M. Turzar/Melanie Hugo)

Comments