P1.60 rollback sa gasolina – Baler, Aurora

Makaraang magpatupad ng rollback sa mga produktong petrolyo ang malalaking kompanya sa pambansang pamilihan, sumunod din nagpatupad ng rollback sa kanilang petrolyo ang mga pangunahing pamilihan ng gasolina sa Bayan ng Baler noong nakaraang Linggo.

Naunang nagpatupad ng bawas presyo ang Shell at Petron sa halagang P.80 sa kada litro ng Diesel, P1.60 sa Unleaded at Premium na gasolina, at P.60 naman sa Kerosene.

Sumunod naman ang Caltex ng kaparehas na halaga, sumunod din ang Sea Oil ng katulad na halaga sa Diesel habang P1.20  ang ibinawas sa kada litro ng Unleaded at Premium na gasolina, P1.15 naman sa kerosene.

Wala naman pagbabago sa presyo ng Regular na gasolina. (Arnel M. Turzar)

Comments