P5 hanggang P20, bawas sa presyo ng gulay sa Baler.

Bumaba ng P5.00 hanggang P20.00 ang presyo ng mga pangunahing bilihing gulay sa pamilihang bayan ng Baler, Aurora makaraang tumaas ang mga ito noong mga nakalipas na linggo.

Naglalaro nalang ngayon sa halagang P20.00 hanggang P50.00 kada kilo ang Repolyo, Carrots, Patatas, Talong, Sayote at Kamatis na dating naglalaro halagang P40.00 hanggang P60.00.

Naglalaro naman sa halagang P60.00 hanggang P70.00 nalang ang kada kilo ng Ampalaya, Bawang at Sibuyas na dating naglalaro sa halagang P65.00 hanggang P80.00, samantalang wala namang pagbabago ang presyo ng Petsay baguio sa presyo nitong P30 at Baguio beans na P60, habang  nagtaas naman ng P5.00 ang kada kilo ng Sayote na ngayon ay P25.00 na ang kada kilo nito.

Wala namang pagbabago ang presyo ng Karne at Isda maliban sa isdang sapsap na bumaba ng P10.00 kada kilo. (Arnel M. Turzar/Melanie Hugo)

Comments