Tulak ng Shabu, nasakote sa bayan ng Baler

Nasakote ng mga otoridad ang isang lalaki na pinaghihinalaang tulak ng Shabu sa lalawigan ng Aurora p artikular sa bayan ng Baler noong linggo (Sept.1, 2013) ng gabi.

Hindi nakalusot sa isinagawang checkpoint operation ng PNP sa tangkang pagpuslit ng droga ng suspek na si Jose Bolito C. Mellang, residente ng Barangay Suklayin, Baler, Aurora makaraang ito ay makorner sa panulukan ng Angara St. at Quezon highway sa nasabing Bayan.

Nakuha kay Mellang ang isang (1) Heat shield transparent plastic na naglalaman ng 3.4 gramo ng Shabu, isang (1) kulay itim na Samsung Cellular Phone at isang (1) timbangan na may tatak na RTT1.

Bago umano mahuli si Mellang, una na itong namataan noong ding araw sa Maria Aurora bus terminal na inabot umano sa kanya ang pinaghihinalaang Shabu mula sa di umanoy kondoktor ng isang pampasaherong bus na bumibiyahe ng Baler to Cabanatuan.

Si Mellang ay nahaharap nagayon sa kasong pagpupuslit ng ipinagbabawal na droga sa ilalim ng Republic Act 9165 (Arnel M. Turzar/George Balbero)

Comments