2014 Fund Budget ng LGU Casiguran, aprubado na

Inaprubahan na ng Local Government Unit ng Casiguran ang 2014 Fund Budget para sa project ng naturang bayan, 

Ayon kay Kon. Jennifer Arania, Committee Chairman for Budget Appropriation, dumaan ito sa masusing proseso hanggang sa maipasa ang budget na nagkakahalaga ng mahigit P1M.

Sa isinagawang Session ng Sangguniang Bayan, ikinatuwa ng lahat maging si Mayor Ricky Bitong ang pagkakapasa nito.

Agad namang isusunod at pagtitibayin ang Work and Financial Plan ng MDRRMC-Casiguran, na kasalukuyan pang pinag-aaralan ng Municipal Development Council, upang matukoy ang mga programa at aktibidad na paglalaanan ng pondo.

Comments