Ahensya ng PNP patuloy sa pagtanggap ng mga aplikante na nagnanais maging isang pulis

Patuloy sa  pagtanggap ang pamunuan ng PNP  sa mga nagnanais na maging isang pulis sa lalawigan ng Aurora. 

Magdala lamang ng mga kaukulang dokumento gaya ng Personal Data Sheet, Birth Certificate mula sa NSO, Transcript of Scholastic Records at Diploma.

Kinakailangang nakapag tapos ng 4 years course, at pumasa sa Civil Service, Board exam maging ang NAPOLCOM PNP Entrance. Magdala rin ng iba pang supporting documents gaya ng Barangay Clearance, Local Police Clearance, MTC, Prosecutor, and RTC Clearance gayundin ang NBI Clearance at DI Clearance.

Maglakip rin ng whole body picture at Medical Certificate mula sa local at private health office, gayun din ang Certificate Of Good Moral Character.

Sa lahat ng mga aplikante maaaring makipag ugnayan lamang kay SP01 Aurelia Sanchez, o kaya ay magtungo sa Provincial Headquarters na matatagpuan sa Brgy. Sabang, Baler Aurora.

Bukas ito hanggang November 27,2013 lamang. (Melanie Hugo/George Balbero)

Comments