Bagong OSCA Head ng Maria Aurora, itinanghal at itinalaga na

Nagsimula nang manungkulan ang bagong Pangulo ng Office of the Senior Citizens Affairs (OSCA) sa bayan ng Maria Aurora, Aurora

Tatlong  Senior Citizens ang nominado na pinagpilian ni Municipal Mayor Amado Geneta ng naturang bayan. Hinirang at itinalaga nito si Loreto Binoya, 69 na taong gulang, residente ng Barangay Cabituculan West at dating US Navy man.

Pinalitan ni Binoya si dating OSCA President Gng. Emilia Catipon na ilang taon ding nanungkulan bilang Head ng OSCA Maria Aurora.

Ayon kay Binoya, tutunguhin nito ang lahat ng Barangay sa naturang Bayan partikular ang mga liblib na lugar upang matukoy niya kung may mga miyembro ng Senior Citizen na may mga kapansanan o disable na hindi pa nakakatanggap ng kanilang buwanang pension.

Sinabi pa nito na pag-aaralan niya ang problema ng asosasyon para mabigyan ito ng solusyon sa panahon ng kayang panunungkulan bilang OSCA Head ng Maria Aurora. (Arnel M. Turzar/Guiller Necesito)

Comments