Pormal nang ilulunsad
bukas araw ng Biyernes ang “Book 400 Years” ng Prelatura ng Infanta/Aurora,
na gaganapin sa Parokya ni San Luis Obispo, Baler, Aurora.
Ito ay
pangungunahan ng Banal na Misa ganap na ika-8:00 ng umaga sa Simbahan ng Baler
sa pangunguna ng mga Kaparian sa Aurora.
Pagkatapos ng
Misa susundan ito ng masaganang salo-salo sa pamamahala ng kumisyon ng pagdiriwang
ng Bikaryato ng Valley-Ding.
Ganap na
ika-9:30 ng umgaga ang pormal na paglulunsad ng AKLAT at susundan ito ng
presentasyon ng mga Kabataan, Kanyaw na presentasyon ng mga Igorot, susundan ng
ng Forum sa pangunguna ni G. Ding Quijada at ang special na bilang ni Mr.
Mariano Quiňones.
Magiging panelist
naman sa programa sina G. Conrado Dequiros ng pahayagang Philippine Daily
Inquirer, Rev. Fr. Dave Capucao at Rev. Fr. Ponce.
Magbibigay din
ng Mensahe sa pamamagitan ng video presentation sina Most Rev. Archbishop
Rolando J. Tria Tirona at Rev. Fr.
Establisida, matapos ito ay susunod ang paggawad ng mga sertipiko sa mga taong
sangkot at kabahagi sa pagbubuo ng Libro.
Comments
Post a Comment