Book 400 Years, pormal nang ilulunsad ngayong araw

Pormal nang ilulunsad ngayong araw ng Biyernes ang “Book 400 Years” ng Prelatura ng Infanta/Aurora, na gaganapin sa Parokya ni San Luis Obispo, Baler, Aurora.

Ito ay pangungunahan ng Banal na Misa ganap na ika-8:00 ng umaga sa Simbahan ng Baler sa pangunguna ng mga Kaparian sa Aurora.

Pagkatapos ng Misa susundan ito ng masaganang salo-salo sa pamamahala ng kumisyon ng pagdiriwang ng Bikaryato ng Valley-Ding.

Ganap na ika-9:30 ng umgaga ang pormal na paglulunsad ng AKLAT at susundan ito ng presentasyon ng mga Kabataan, Kanyaw na presentasyon ng mga Igorot, susundan ng ng Forum sa pangunguna ni G. Ding Quijada at ang special na bilang ni Mr. Mariano Quiňones.

Magiging panelist naman sa programa sina G. Conrado Dequiros ng pahayagang Philippine Daily Inquirer, Rev. Fr. Dave Capucao at Rev. Fr. Ponce.

Magbibigay din ng Mensahe sa pamamagitan ng video presentation sina Most Rev. Archbishop Rolando J. Tria Tirona at  Rev. Fr. Establisida, matapos ito ay susunod ang paggawad ng mga sertipiko sa mga taong sangkot at kabahagi sa pagbubuo ng Libro.

Sa ikalawang bahagi ng programa, ilulunsad din ang ‘Taong ng Layko” kasabay naman nito ang pagtatapos ng “Taon ng Pananampalataya” na nagsimula noong Nobyembre 2012. 

Kaugnay nito, inaanyayahan ang lahat ng nais akiisa at sumaksi sa sa palulunsad ng Libro ng 400  taong kasay-sayan ng Simbahan ng Prelataura. (Arnel M. Turzar)

Comments