Donasyon mula sa Bayan ng Dipacual, para sa mga biktima ng Bagyon Yolanda sa Visayas Region, ipapadala na

Tulong-tulong at nag kawang gawa ang mga mamayan ng Dipaculao Aurora upang maka likom ng mga donasyong ipapamahagi sa mga naging biktima ng super typhoon Yolanda sa Kabisayaan.

Nakalikom ng halos isang truck na mga gamit gaya ng kumot, kulambo at lalagyan ng tubig.

Sa panayam ng CMN News kay Mayor Reynante Tolentino, ang mga gamit na ito ay pangunahing kailangan ng mga naninirahan Kababayan na hanggang ngayon ay kapos parin sa mga kailangang kagamitan.

Ang kusang loob na mga donasyong ito na nakalap sa taong bayan ay dinala na kahapon sa tanggapan ng Red Cross Aurora Chapter.

Comments