Ilang bahagi ng Aurora, makakaranas ng 2 oras na brown-out

Makakaranas ng dalawang oras na pagkawala ng kuryente ang ilang bahagi ng Aurora, bukas ika-11 ng Nobyembre.

Ayon kay National Grid Corporation of the Philippines North Luzon Spokesperson Lilibeth Gaydowen, may momentary outage mula alas siyete ng umaga hanggang alas otso ng umaga at alas singko ng hapon hanggang alas sais ng hapon sa ilang bahagi ng NEECO II Area II at AURELCO na sumasaklaw sa mga bayan ng Dingalan, San Luis, Maria Aurora, Baler, and Dipaculao sa Aurora.

Ang dahilan ng brownout ay upang bigyang daan ang hiling ng NEECO II Area I na re-commissioning at re-energanization ng 10MVA power transformer nito sa Talavera Substation. (Arnel M. Turzar)

Comments