Isang lalaki, nasobrahan uminom ng alak, hindi nagising

Hindi na nagising ang isang lalaki matapos na ito ay maghapong uminom ng alak noong linggo (Nov.17, 2013).

Nakilala ang lalaki na si Meutan Hidalgo y Parte, 54 na taong gulang, binata at residente ng Purok 5, barangay Pingit, Baler, Aurora.

Sa salaysay ng kamag-anak nito – halos maghapon umanong nag-iinom si Hidalgo kahit wala pang laman ang kanyang sikmura, dakong alas 6 ng gabi dahil sa labis na kalasingan into umano ay nakatulog.

Subalit hanggang sa kinabukasan ay hindi na ito nagising, dahil sa pangamba napilitan ng dalhin ng kanyang mga kamag-anak sa Aurora Memorial Hospital si Hidalgo at nananatili  ito ng matagal sa intensive care unit ng naturang hospital, subalit tuluyan na itong binawian ng buhay.

Ayon naman sa empleyado ng hospital, maraming katulad na insidente ang naitala sa naturang pagamutan na ang iba ay tuluyan nang binawian ng buhay. (Rey S. Fernando)

Comments