Libreng surgical mission, muling isasagawa

Nakatakdang isagawa sa ikalawang pagkakataon ang libreng pag-oopera sa mga bukol na tumutubo o tumubo sa ating mga katawan.

Ayon sa tanggapan ng Provincial Health, nagsimulang muli ang screening nitong nakalipas na Sabado sa Aurora Memorial Hospital. Layunin ng naturang screening na maitala ang mga may roong bukol sa katawan gaya ng cist, butlig, kulugo at maging ligation sa mga babae ay puwede rin.

Ang ganitong uri ng mga paglilingkod ay magpapatuloy hangga’t maayroong may bukol sa lalawigan, ayon naman sa isa sa mga miyembro ng grupo ng mga serohanong ayaw magpabanggit ng pangalan maging ng kanilang grupo.

Para a karagdagang detalye, makipag-ugnayan sa Aurora Memorial Hospital.

Comments