Mayor Reynante Tolentino, nagbigay ng mahigpit na direktiba laban sa mga illegal loggers sa Aurora

Nagbigay ng mahigpit na direktiba si Dipaculao Mayor Reynante Tolentino, sa lahat ng tanggapan na sakop ng kanilang Munisipyo partikular na ang mga tanggapan ng Pulisya na paiigtingin ang pag babantay sa mga illegal loggers at hulihin ang mga ito. 

Ito ang naging pahayag ni Mayor Tolentino, ng makapanayam ng CMN News noong lunes.

Ang kautusan ni Tolentino ay bunsod  narin aniya ng hindi maawat-awat na pamumutol ng kahoy partikular sa Brgy. Diamanen at Toytoyan ng naturang bayan.

Ayon pa kay Tolentino, ang kanyang direktiba ay malinaw aniya na totoo na hindi siya ilegalista ng kahoy na katulad ng ipinagkakalat umano ng kanyang  mga kritiko.

Personal din aniya siayng nagtungo sa tanggapan ng DENR upang dalhin ang kopya ng kanyang kautusan. 

Dagdag pa nito na 24 oras na ipinapatupad ang pag babantay sa lugar sa mga illegal loggers.
Kaugnay nito, sinabi naman ni P/SINS. Bayani Balbuena, hepe ng Dipaculao PNP na magtatalaga siya ng kanyang mga tauhan upang maipatupad ng lubusan ang kanyang direktiba. (Rey S. Fernando)

Comments